Ang lugaw ng Tejeros, Makati

- November 02, 2018

Tuwing umuulan, nilalamig, nalulungkot at gustong sumaya, may karamdaman o masama ang pakiramdam at naghihirap o naghihigpit ng sintron, ang madalas nating takbuhan ay LUGAW. Lugaw, Goto, Aroz Caldo, Congee, Porridge, anu pa man ang maging tawag natin sa pagkaing ito na sinangkapan ng bigas at sabaw ay tiyak na hahanap-hanapin natin ito bilang isang Pilipino. Ang pagkain ng lugaw ay impluwensya ng Espanyol at Intsik.  Madali lamang lutuin ang lugaw kung kaya’t walang pinipiling oras (almusal man o hapunan) o panahon ang paghain nito sa hapag ng mga Pilipino.

Marami na ring lugawan ang nagpatunay sa katagang “tubong-lugaw” o sa maliit na puhunan sa paglulugaw kumita na ng malaki. At marami sa mga lugawang iyan ay dinarayo at kilalang kilala sa iba’t ibang dahilan. Isa nariyan at hinding-hindi mawawala sa listahan ng mga may masasarap na lugaw sa bansa ang Lugawan sa Tejeros. Mula sa maliit na establisyimento ay nagkaroon na ito ng karagdagang espasyo at ikalawang palapag. Di maiaakila ang paglago ng naturang lugawan.

Anong meron sa lugaw ng Lugawan sa Tejeros? Bakit sikat ang lugawan sa Tejeros? Masarap ba ang lugaw?

Ang Lugawan sa Tejeros ay nakilala sa kanilang lugaw na sinahugan ng lechon kawali. Oo, tama kayo sa pagkakabasa! Lechon kawali ang binabalik-balikan ng kanilang masugid na parukyano. Nagkaroon ako ng pagkakataong tikman ang kanilang lugaw. At masasabe kong totoo nga ang balita, mura’t masarap at kakaiba sa mga lugaw na aking natikman na.  Hindi tulad ng ibang lugaw, simple lang at kulay puti ang lugaw ng Lugawan sa Tejeros sapagkat hindi sila gumagamit ng atsuete o pampakulay sa lugaw. Nagbigay din ng kakaibang lasa ang lechong kawali sa simpleng lugaw. Naitampok na ang naturang lugawan sa mga palabas tulad ng Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA) at Pareng Partners (abs-cbn). At para kay Erwan Heussaff, isang kilalang food blogger/chef, isa ang lugaw ng Lugawan sa Tejeros sa mga pinakamasarap na lugaw sa bansa.  

L4 - Lugaw with lechon kawali & egg

L4 with palabok

L4 with palabok and lumpiang togue

Menu 

Menu

ang bagong Lugawan sa Tejeros, may 2nd floor na!

Lugawan sa Tejeros kapag hapon

Ekstensyon ng establisyimento; sa harap lamang ng bago

Lugawan sa Tejeros kapag gabi

Lugawan sa Tejeros kapag gabi. Maswerte ako't padagsa pa lang yung mga tao nung pumunta kame. 

Lokasyon:

1066 Chino Roces Avenue, Cor. Malolos st., Barangay Tejeros Makati City, Philippines

Paano Pumunta:

                Mula sa Guadulape, sumakay ng mga Jeep na may signage na PRC, Paco or Bukid. Bumaba sa PRC Mcdo. Ilang hakbang mula sa 7/11 ay makikita mo na ang sikat na Lugawan sa Tejeros.

                Mula sa LRT - Gil Puyat station (Buendia/Magallanes), sumakay ng Jeep na may rutang PRC.  Bumaba sa PRC mismo o sa tapat ng lugawan mismo sabihin lamang sa driver.

                Mayroong ding Jeep na may rutang Guadalupe kung ikaw ay manggaling sa Quirino o Pedro Gil stations ng LRT sa manila. Magpababa lamang sa PRC. Ilang lakad mula sa PRC ay makikita na ang Lugawan sa Tejeros.

Creator's Content

You May Also Like

0 comments